
Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mali at misleading na balita patungkol sa pagpapatanggal umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng pension ng AFP.
Sa opisyal na pahayag ng ahensya, sinabi nito na ang nasabing pahayag ay baseless, malisyoso, at intensyong magbigay ng kalituhan.
Ayon sa AFP, walang direktiba, pahayag o polisiyang natatanggap ang ahensya mula sa pangulo o sa kahit na anong ahensya ng pamahalaan patungkol dito.
Bagkus, ang administrasyon ay buo ang suporta sa mga uniformed personnel ng ahensya lalo na proteksyon at pagpapanatili ng kanilang mga pension at benepisyo.
Kaugnay nito, ang pension ng mga military personnel ay protektado ng umiiral na batas at matatanggal lamang ang pension nito sakaling makagawa ito ng krimen.
Samantala, hinimok din ng AFP si Congressman Kiko Barzaga na itigil ang pagpapakalat ng maling ipormasyon dahil nagdudulot ito ng pagbaba ng moral ng mga kawani nito na pumoprotekta sa republika.









