Mahigpit na ipatutupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang implementasyon ng kanilang programa kaugnay sa pagtitipid ng tubig.
Ito ang inihayag ni Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad kasunod nang nakaambang kakulangan ng suplay ng tubig.
Ayon kay Trinidad, matagal nang may programa ang AFP kaugnay sa pagtitipid ng tubig at kuryente ngunit bilang pakikiisa sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magtipid ng tubig ay mas istrikto nilang ipatutupad ang nasabing programa sa mga kampo sa bansa.
Una nang nagpahayag ng pakikiisa ang Philippine National Police (PNP) sa panawagang ito sa gitna ng banta ng kakulangan ng suplay ng tubig dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam dulot ng El Niño phenomenon.
Facebook Comments