AFP, may kakaibang paraan para maipakita ng taumbayan ang suporta sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi

Manila, Philippines – Nakaisip ng kakaibang paraan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para maipakita ng taumbayan ang suporta at dasal nito sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi.

Sa interview ng RMN kay AFP Civil Relations Service Col. Gery Zamudio – ito’y sa pamamagitan ng pagbebenta nila ng mga “support our troops shirt” sa halagang 150 pesos.

Paliwanag ni Zamudio – wala silang kikitain sa pagbebenta dahil P150 rin ang halaga ng t-shirt at ang mga gamit sa pag-iimprenta.


Dagdag pa ng opisyal, isa pang paraan ng pagpapakita ng suporta ay ang pagdalaw ng mamamayan sa mga sundalong nagpapagaling sa V. Luna hospital sa Quezon City.

*

Facebook Comments