Nagpaalala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga politiko sa bansa ngayong nalalapit na ang 2022 election.
Kasunod ito ng madalas na ginagawa ng mga New People’s Army (NPA) sa panahon ng eleksyon kung saan nagiging aktibo ito sa pag-iikot upang makapangikil o makahingi ng pera lalo na sa politiko at nagbabalak kumandidato.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Edgard Arevalo, hindi dapat nagpapadala ang mga politiko sa iligal na gawaing ito ng NPA.
Kung sa oras kasi na magbigay ng kahit anong halaga ang politiko sa NPA ay magpapatunay lamang ng suporta nila sa teroristang grupo.
Ang 2022 Election ay gaganapin sa ika-9 ng Mayo 2022.
Facebook Comments