MANILA – Malaki umano ang posibilidad na kulang sa kahandaan at pagpaplano ang Armed Forces of the Philippines sa nangyaring engkuwentro sa Abu Sayyaf Group sa Tipo-tipo, Basilan.Ayon kay House Committee Chairman on National Defense and Security at Muntinlupa City Representative Rodolfo Biazon na isa sa mga maaaring dahilan ay ang kawalan ng combat at artillery support.Hindi umano tatagal nang mahigit sampung oras ang bakbakan noong Abril 9 kung may reinforcement at air support na gagamitin hindi lamang para sa evacuation at supply.Base sa karanasan, hindi rin umano dapat nagsilbing command trooper ang commander ng Western Mindanao Command dahil hindi niya matututukan ang pagtanggap ng reports at pagsasagawa ng evaluation.Una nang iginiit ng dalawang hindi nagpakilalang opisyal ng militar na nagkaroon ng failure of leadership o intelligence sa engkuwentro kung saan labingwalong sundalo ang nasawi.
Afp, May Pagkukulang Umano Sa Naging Operasyon Sa Basilan
Facebook Comments