AFP: Mga barko ng China sa WPS, nabawasan na

Nasa 14 barko na lamang ng China ang namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea (WPS) nitong mga nakalipas na araw.

Ito ang iniulat ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad kung saan ang nasabing bilang ay mas mababa kung ikukumpara nuong mga nakalipas na linggo.

Ani Trinidad, bagama’t marami pa rin ay hindi naman ito nakakabahala dahil itinuturing itong regular force deployment ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo.


May nakita ding isang barko ng China Coast Guard at apat na Chinese maritime militia vessels malapit sa Pag-asa Island habang may presensya rin ng mga barko ng China sa Ayungin kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre, lima ang namataan sa Panata Island, dalawa sa Kota Island at isa sa Parola Island.

Gayunman, walang namataang presensya ng China sa Patag Island, Rizal Reef, Likas Island at Lawak Island na siyang sakop ng Kalayaan Group of Islands.

Facebook Comments