AFP modernization, inurong para magamit ang budget sa COVID-19 efforts

Ibinalik ng Department of National Defense (DND) sa Department of Budget and Management (DBM) ang nasa ₱19.3 billion mula sa budget nito para ilaan sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa ₱9.4 billion ang inisyal na inilaan para sa modernization programs ng militar.

May ilang proyekto rin ang ipinagpaliban muna upang magamit ang budget sa paglaban sa pandemya.


Hindi na binanggit ng kalihim kung ano-ano ang mga proyekto.

Mula nitong June 24, aabot sa ₱374.89 billion ang nailabas ng pamahalaan para sa iba’t ibang COVID-19 interventions.

Facebook Comments