AFP modernization, patuloy na susuportahan ng Marcos administration

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang commitment ng kaniyang administrasyon sa pagsusulong ng modernization efforts para mas mapalakas ng kakayahan at pasilidad ng Armed Forces of the Philippines.

Sa naging talumpati ng pangulo sa turn-over ceremony ng C295 Medium Lift Aircraft sa Clark Airbase, Pampanga, sinabi nito na ang panibagong aircraft na ito ay magpapaigting lamang sa defense system ng bansa.

Ang higit P5.2 billion na aircraft na ito ay gagamitin para sa tactical airlift, surveillance, medical evacuation, troop at cargo transport, paradrop o airdrop, VIP transport, maging sa pagsasagawa ng civic and humanitarian airlift mission.


Ginamit din ng pangulo ang pagkakataon para pasalamatan ang España sa pagtulong sa Philippine Air Force (PAF) para sa pagpapaigting nito ng defense capabilities.

Umaasa ang pangulo na patuloy ring gagampanan ng Air Force ang kanilang mandado na idepensa at paglingkuran ang mga Pilipino.

Facebook Comments