AFP modernization, pinamamadali ng Senado

Muling umapela si Senator JV Ejercito sa pamahalaan na madaliin ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang panawagan ng senador ay kasunod ng huling insidente ng pambu-bully ng China kung saan tinutukan ng military-grade laser ng Chinese Coast Guard ang mga tauhan ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Dahil sa insidenteng ito kaya muling kinalampag ni Ejercito ang gobyerno na bilisan na ang modernisasyon sa hukbong sandatahan at palakasin ang defense posture ng bansa partikular ang bahagi sa West Philippine Sea (WPS).


Kailangan na aniyang maglagay ng naval force na kayang magpakita ng malakas na presensya sa pinagtatalunang rehiyon.

Bukod sa modernisasyon, magandang pagkakataon din aniya ito para makipagtulungan sa mga kalapit na bansa at mga defense partners para kontrahin ang pambu-bully at panghihimasok ng China sa WPS.

Facebook Comments