AFP MODERNIZATION PROGRAM | P5-B dagdag na pondo, ipagkakaloob sa AFP

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na karagdagang 4.8 billion pesos ang ibibigay ng National Government sa Armed Forces of the Philippines na magagamit para makabili ng mga makabagong kagamitan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, huhugutin ang pondo sa 36.6 Billion Pesos na pondo na nalikom ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA muna nang mabuo ito noong 1992.

Kabilang sa mandato ng BCDA ay ilaan sa AFP Modernization Program ang mga kikitain sa pagdevelop ng mga Military Bases sa bansa.


Sinabi ni Roque na mayroong 5.2 Billion Pesos na ibabalik ang BCDA sa National Government Treasury para sa nakaraang taon na pinakamalaking remittance ng BCDA mula nang ito ay maitatag.

Facebook Comments