AFP, muling nagbabala sa publiko patungkol sa youtube channel na gumagamit ng pagkakakilanlan ni AFP Chief of Staff Brawner

Muling nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko patungkol sa youtube channel na gumagamit ng pagkakakilanlan ni AFP Chief of Staff, General Romeo S. Brawner Jr.

Ang nasabing hindi awtorisadong account ay gumagamit ng Artificial Intelligence (AI) para magpakita ng mapanlinlang na mga video at audio recording umano ng AFP Chief of Staff.

Nilinaw ng AFP at ni General Brawner na wala silang kaugnayan sa nasabing account at ang mga video na ipinopost ay hindi awtorisado, digitally manipulated at may intensyong magbigay ng maling impormasyon.

Kaugnay nito, kinondena ng ahensya ang iresponsable at malisyosong paggamit ng AI para pahinain ang tiwala ng publiko.

Nagbigay naman ng babala ang AFP sa mga magpapakalat ng maling impormasyon na ito ay mahuhuli rin at mahahainan ng seryosong kaso.

Facebook Comments