AFP, muling nakatanggap ng kagamitan mula Estados Unidos na nagkakahalaga ng $2.3 milyon

Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang $2.3 milyong halaga ng equipment grant ng Estados Unidos na bahagi ng U.S. Counter-Terrorism (CT) and Foreign Military Financing (FMF) Programs.

Ang mga kagamitang pangdepensa ay dumating kamakalawa sa Haribon Terminal, Clark Air Base sa Pampanga na karga ng U.S. KC-10A aircraft.

Kabilang sa mga gamit ay laser designation systems forward air controller, air field operations and logistics support, defense advanced GPS receiver, C-130 spares, at precision guided munition tool kits para sa Philippine Air Force (PAF).


Ang Philippine Army ay nakatanggap naman ng tactical network rover at pangsuportang kagamitan habang ang Philippine Navy ay nakatanggap ng samu’t saring weapon support equipment.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino na patuloy na pinapalakas ng AFP ang kanilang kapabilidad laban sa terorismo sa pamamagitan ng mga modernong kagamitan mula sa Estados Unidos.

Facebook Comments