AFP, na-monitor ang 19 na barkong pandigma ng China sa WPS nitong Nobyembre

Na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 19 na People’s Liberation Army Navy o PLAN warships ng China sa West Philippine Sea (WPS) nitong Nobyembre.

Sa pulong balitaan na ginanap sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na nakita ang nasabing mga barko sa Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc.

Kaugnay nito, mas mababa ang bilang ngayon kesa sa naging presensya nito noong nakaraang buwan ng Oktobre na umabot sa 21.

Ayon kay Trinidad , maaaring nakaapekto ang sama ng panahon kung kaya bumaba ang presensya ng nasabing mga barko ng China.

Samantala, ayon kay Trinidad ay napansin nila na humina ang pagiging agresibo ng mga barko ng China at lumakas lamang ulit pagkatapos ng Multilateral Maritime Cooperative Activity o MMCA ng ahensya at ibang kasamang bansa.

Kaugnay nito, ang isinasagawang monitoring efforts ng Philippine Navy ay nagpapatunay lamang sa patuloy na presensya at pagsasagawa ng operasyon ng para bantayan ang teritoryo ng bansa.

Facebook Comments