AFP, nadiskubreng mayroong higit ₱1.8 billion sa mga hindi awtorisadong bank accounts – COA

Nadiskubre ng Commission on Audit na mayroong higit ₱1.8 billion na pera ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga hindi awtorisadong bank accounts.

Ayon sa COA, hinati-hati sa 20 bank accounts mula sa magkakaibang bangko ang ₱1,812,797,567 na pera kung saan kabilang na rito ang nasa Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at United Coconut Planters bank.

₱1.3 billion dito ang nasa tatlong bank accounts sa ilalim ng AFP Modernization Act Trust Fund-Central Office.


₱347.4 million ang nasa walong bank accounts sa ilalim ng AFP Educational Benefit System Office

₱84.3 million ang nasa dalawang bank accounts sa ilalim ng AFP Real Estate office.

At ₱37.7 million naman ang nasa pitong bank accounts sa ilalim ng General Headquarters Central Office.

Paliwanag ng COA, sa ilalim ng Section 10 ng General Provisions noong nakaraang taon ay dapat isara o bawiin na ang mga pondong walang legal na basehan.

Nagpaliwanag naman ang Department of National Defense (DND) at sinabing kasalukuyan na nilang pinoproseso ang pagsasara ng mga nasabing bank accounts.

Facebook Comments