AFP, nagbabala laban sa mga nagpapahayag ng panawagan para sa “transition government”

Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga nagpapahayag ng panawagan para sa transition government.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni dating Defense Secretary Norberto Gonzales na ang tanging paraan para mawala ang malaking sistema ng korapsyon sa bansa ay magkaroon ng transition government na magbabalik din sa tiwala ng publiko.

Ayon sa AFP, kahit gumamit pa ng ibang termino, isa pa rin itong panawagan para sa “unconstitutional takeover.”

Dagdag pa ng ahensya, maaaring maharap sa kasong kriminal ang mga may ilegal na layunin na tinatago sa mabulaklak na termino, tulad ng inciting to sedition.

Tiniyak naman ng AFP na mananatili silang propesyunal at non-partisan sa institusyon at tapat sa Konstitusyon.

Facebook Comments