AFP, nagbabala sa plano ng gobyernong payagan ang mga Chinese investor na upahan ang 3 strategic island ng bansa

Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa plano ng gobyerno na payagan ang mga Chinese investors na gawing economic hub ang tatlong maliliit pero strategic islands sa bansa.

Matatandaang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposal sa pagtatayo ng Grande at Chiquita Islands sa Subic Bay at Fuga Island sa Babuyan archipelago.

Ayon kay AFP spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo – dapat na pag-aralan itong mabuti ng pamahalaan dahil posibleng makompromiso ang seguridad ng bansa.


Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ukol dito ang Philippine navy.

Sabi ni Navy spokesman Captain Jonathan Zata – natuto na sila sa nakaraan kung saan ilang island features ang hindi nabantayan nang maayos dahil limitado ang kapabilidad ng bansa at ito ang iniiwasan nilang mangyari ngayon.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – iniimbestigahan na nila ng AFP ang nasabing ulat.

Facebook Comments