Sumasaludo ang buong hanay ng Armed Forces of the Philippines sa lahat ng mga ulirang manggagawa ngayong araw ng paggawa.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, partikular na binibigyang pugay ng AFP ang mga frontliners na ngayon ay patuloy na ibinubuwis ang buhay para labanan ang pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni Arevalo ang pagsisikap, hardwork at determinasyon ng mga manggagawang ito ngayong panahon sa mahirap na sitwasyon ng bansa ay isang inspirasyon sa hanay ng mga sundalo.
Araw araw aniya ay nakikita ng AFP ang tapang ng Filipino workforce para malampasan ang pagsubok na ito.
Tiniyak naman ni Arevalo na nagpapatuloy ang misyon ng AFP na protektahan ang mga Pilipino lalo na pagdating sa kalusugan na isang mahalagang asset para matamo ang pang matagalang kapayapaan at kaunlaran.