AFP, nagdagdag ng pwersa sa BARMM kaugnay ng pagdaraos ng halalan

Nag-deploy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng karagdagang tauhan sa ilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

Sa gitna ito ng mga posibleng banta sa pagdaraos ng eleksyon sa rehiyon.

 

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na mula sa 40,000 ay umabot na sa 60,000 sundalo ang kanilang naipakalat partikular sa 102 munisipalidad at 14 na lungsod na nakasailalim sa “reg category” o “areas of grave concern.”


 

Seryoso namang tinututukan ng AFP ang BARMM partikular ang Lanao del Sur at Maguindanao na nakasailalim sa COMELEC control.

Facebook Comments