AFP, nagdeklara ng humanitarian ceasefire sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Nagdeklara ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng humanitarian ceasefire sa Marawi City.

Ayon kay AFP Chief Of Staff, General Eduardo Año – inaprubahan ang tigil-putukan magbigay-daan sa pagbibigay ng tulong at pag-rekober sa sinumang nasugatan at sa mga labi ng mga nasawi sa labanan.

Nagbigay na siya ng direktiba sa mga ground commanders para sa humanitarian mission.


Una rito, may mga request ang ilang humanitarian groups at local government leaders sa AFP na bigyan-daan ang humanitarian activities na layon matulungan ang mga sibilyan na nangangailangan ng tulong.

Pagtiyak ng heneral na hindi maaaring magtagal ito dahil kailangan nilang tapusin ang pagtugis sa mga miyembro ng Maute Group.
DZXL558

Facebook Comments