Manila, Philippines – Bilang paghahanda laban sa cyberterrorist attacks, isinasagawa ng Armed Forces of the Philippines ang isang Cyber Security Summit sa Camp Aguinaldo ngayong araw.
Ayon Kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, ito ang ikalawang pagkakataon na magsasagawa ng ganitong uri ng pagpupulong matapos ang unang cyber security summit noong Hunyo.
Paliwanag ni Arevalo, ang summit ay isang educational at international forum na nakatuon sa mga cyber-laws, mga possibleng banta, at pag gamit ng modernong teknolohiya kontra sa mga bantang ito.
Lumalahok sa pagpupulong ang mga information and communications technology experts ng AFP, DND, PNP at government security agencies kasama ang mga private industry experts.
Sinabi ni Arevalo na nais matiyak ni AFP chief of staff Rey Leonardo Guerrero na makuha ng AFP sa mga modernong paraan ng paglulunsad ng giyera sa cyberspace.