AFP, naghigpit na sa pagko-cover ng media sa bakbakan sa Marawi kasunod ng insidente ng pagkakabaril sa Australian journalist

Marawi City, Philippines – Naghigpit na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagko-cover ng mga media sa nangyayaring bakbakan sa Marawi City kasunod ng insidente sa Australian journalist na timamaan ng ligaw na bala sa leeg.

Sa interview ng RMN Manila kay Lt/col. Jo-Ar Herrera, spokesperson ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, sinasabing posibleng target na maging hostage ng Maute group ang mga taga media base sa kanilang monitoring.

Ayon kay Herrera, mayroon silang binuo na Media Information Center para sa mga mamamahayag na papasok sa Marawi City at binibigyan nila ang mga ito ng briefing kung hanggang saan lang ang kanilang limitasyon sa naturang lugar at safe conduct pass.


Inamin rin ng opisyal na malaking problema sa kanila ang mga pasaway na media na gustong makakuha ng eksklusibong balita.

Dahil dito, patuloy pa ring pinapayuhan ng militar ang lahat ng mamamahayag na maging maingat sa pagbabalita.

Facebook Comments