AFP, naglabas ng pahayag kontra kay Davao City Rep. Paolo duterte kaugnay ng deployment ng US Missiles sa Pilipinas

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kontra kay Davao City Representative Paolo Duterte kaugnay ng deployment ng US Missiles sa Pilipinas.

Kung saan tinawag ng ahensya ang mga pahayag ni Representative Duterte na “misleading interpretation”.

Nag-ugat ito matapos batikusin ni Rep. Duterte ang isang pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na kaya raw abutin ang China ng mga nasabing US missiles.

Dahil dito, nilinaw ng AFP na ginagamit lamang nila ang mga ito sa kanilang mga pagsasanay bilang parte ng on-going modernization efforts para palakasin ang national defense.

Samantala, hinimok naman ng ahensya ang opisyal at mga opinion leader na maging maingat at responsable sa kanilang mga pahayag para makaiwas sa maling impormasyon o pagkawala ng tiwala ng publiko sa hukbong sandatahan.

Facebook Comments