AFP, naglunsad ng anti-corruption unit

Inilunsad kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang bagong Anti-Corruption Committee.

Pinangunahan ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Andres Centino ang pagpapanumpa ng mga opisyal at miyembro ng komite sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Sinabi ni AFP Chief of Staff na ang paglikha ng komite ay mas magpapalakas sa laban kontra korapsyon at pagtataguyod ng accountability at transparency sa hanay ng militar.


Ang pagtatatag ng komite ay resulta ng paglagda ng AFP ng Memorandum of Agreement (MOA) sa ilalim ng “Project Kasangga” ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ang operasyon ng komite ay pangangasiwaan ng AFP Office of Ethical Standards and Public Accountability (OESPA).

Ang vice chief of Staff ng AFP na siya ring Hepe ng OESPA ang tatayong Chairman ng Anti-Corruption Committee.

Facebook Comments