AFP, nagpaabot ng pagbati sa lahat ng nakilahok sa matagumpay na BOL plebiscite

Ipinaabot ng AFP ang pagbati sa lahat ng nakilahok sa matagumpay na BOL plebiscite kahapon sa Lanao del Norte at North Cotabato.

Binati mismo ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato, ang Muslim community matapos na maging pangkalahatang mapayapa ang botohan kahapon.

Ayon kay Detoyato, nakaboto ang dapat na bumoto at mataas Ang turnout ng mga botante.


Malinaw aniya na hindi nagpatakot ang mga mamamayan sa 3 insidente ng pagpapasabog sa bisperas ng plebisito.

Naging epektibo rin aniya ang inilatag na seguridad ng AFP at PNP kung saan walang naitalang biolenteng isidente sa mismong araw ng botohan.

Facebook Comments