Tumutulong na rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kababayan nating apektado ng Bagyong Kristine.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa ngayon naka-deploy na ang kanilang mga tauhan at assets para magbigay ng agarang humanitarian assistance and disaster response sa mga apektadong lugar.
Ani Brawner, mahigpit silang nakikipagtulungan sa mga local government unit (LGU) at sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para makapagsagawa ng rescue operations.
Sinabi pa ng opisyal na katuwang nila ang Philippine Army (PA), Philippine Navy (PN), Philippine Air Force (PAF), Unified Commands at international partners upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong nakakaranas tayo ng kalamidad.
Tiniyak din ni Gen. Brawner na magpapatuloy ang kanilang deployment ng mga tauhan at assets sa mga apektadong rehiyon hanggang sa matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.