AFP, nagpasa na ng dokumento sa DFA kaugnay sa panghaharas ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Nakipag-ugnayan na ang Arm Forces of the Philippine sa Department of Foreign Affairs kasunod ng panghaharas ng mga Chinese sa mga Pinoy na mangingisda sa Union Bank na matatagpuan sa Spratlys Island.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Ano, naisumite na nila sa DFA ang mga kaukulang dokumento kaugnay sa agrisibong pagkilos ng China sa loob ng territoryo ng Pilipinas.

Kung maalala, tinaboy ng mga Chinese sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril ang mga Pilipinong mangingisda sa Union Bank noong nakaraang linggo


Layon nang pagsusumite ng AFP ng mga dokumento sa DFA, para makatulong sa ihahaing protesta ng Pilipinas laban sa panibagong panghaharas ng China.

Sa ngayon tinutukoy pa ng AFP kung Chinese Coast Guard o Chinese Navy ang nag taboy sa mga Pilipinong nangingisda sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
DZXL558

Facebook Comments