AFP, nagpasalamat sa AGFO sa matibay nitong suporta at pakikiisa para sa iisang layunin para sa bansa

Nagpahayag ng pasasalamat ang Armed Forces of the Philippines sa Association of General and Flag Officers, Inc. (AGFO).

Matatandaan na naglabas ng manifesto ang AGFO kung saan nagpahayag ito ng suporta at tiwala sa liderato ng AFP, pati na rin ang pagkondena sa mga panawagan ng destabilisasyon.

Ang AGFO ay isang organisasyon ng mga retiradong lider at aktibong heneral at flag officers ng AFP, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology, at Bureau of Fire Protection.

Ayon sa AFP, ang nasabing mga pahayag ay nagpapatunay lamang sa buong pwersang pagkakaisa ng ahensya at ng mga aktibo at retiradong personnel.

Dagdag pa ng ahensya, ang pagiging non-partisan ng AFP anuman ang estado sa serbisyo ay magsisilbing gabay sa mga sundalo, airman, sailor, at marine, kung saan walang puwang ang destabilisasyon sa isang maayos na lipunan.

Facebook Comments