Manila, Philippines – Naisumite na ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang panig o rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo nitong weekend ibinigay na nila ang kanilang rekomendasyon sa Malacañang.
Pero hindi na muna inihayag pa ng opisyal kung ano ang kanilang naging rekomendasyon dahil ipinauubaya nya na ito sa pangulo.
Paliwanag ni Guerrero security situation sa bansa, mga development sa security nationwide at mga sitwasyon sa mga lugar na may presensya ng mga terorista ang nakapaloob sa kanilang sa isinumite nilang rekomendasyon.
Hindi rin nag-komento ang opisyal kung may posibilidad na pairalin ang martial law sa buong bansa lalo’t nationwide umaatake ang mga miyembro ng New People’s Army.
Sinabi ni Guerrero na bahala na ang Pangulong Duterte na magdesisyon kaugnay dito.