Kasalukuyang dumadaan sa pagrerebisa ang recruitment policies ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mahikayat ang mga kabataang magpa-enlist.
Ibinahagi ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilberto Teodoro na ikinakasa na ng AFP ang mga bagong panuntunan para sa recruitment sa kanilang hanay.
Saad ni Tedoro, layunin nilang mahikayat ang mas maraming kabataan tulad ng fresh graduates at ang mga tinatawag na young professionals upang sumailalim sa enlistment bilang bahagi ng reserved force ng bansa.
Naniniwala umano ang kalihim na malaki ang mai-aambag ng mga kabataan sa Sandatahang Lakas gamit ang kanilang galing at talento upang makapagsilbi sa bayan.
Kaakibat nito ay nakikipag-ugnayan na si Teodoro sa Deputy Chief of Staff for Personnel ng AFP na ibaba ang kasalukuyang recruitment age na 26 para sa enlistment upang mabigyan umano ng pagkakataon ang mga bagong graduate na ayaw munang magtrabaho.