MANILA – Nakahanda na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagbabantay sa mga lugar na pagdadausan ng special elections, bukas, Mayo 14.Sa interview ng RMN kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla – nilinaw nito na kahit nasa blue alert na ang Armed Fforces – mananatili pa rin ang heightened alert sa mga lugar na idineklara ang failure of elections noong Mayo 9 ng Commission on Elections.Ayon kay Padilla – aabot sa pitong libo hanggang sampung libong personnel ang kanilang ide-deploy bukas upang masiguro na tahimik at maaayos ang halalan.Nakastand-by na rin aniya ang mga armored vehicles at helicopters sakaling kailangan ang mga ito.Kasabay nito, tiniyak ni Padilla na walang dapat ikaalarma ang publiko dahil wala silang natatanggap na banta ng terorismo sa bansa.Tinatayang nasa 17,000 ang inaasahang boboto bukas mula sa labing isang lugar sa bansa na apektado ng failure of elections.
Afp Nakahanda Na Sa Pagbabantay Sa Mga Lugar Na Pagdadausan Ng Special Elections.
Facebook Comments