AFP, nakahanda sakaling kailanganin ang kanilang tulong sa pagpapabalik sa bansa ni Teves

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) saka-sakaling kailanganin ang kanilang tulong ng iba pang law enforcement agencies hinggil sa inaasahang pagpapabalik sa bansa kay dating Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr.

Ayon kay AFP Public Information Officer Chief Col. Xerxes Trinidad, masusi nilang binabantayan ang development sa deportation process sa dating mambabatas.

Nabatid na tumulak na patungong Timor-Leste ang mga kinatawan ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) upang makipag-ugnayan sa gobyerno Timor-Leste para sa pagpapabalik sa Pilipinas kay Teves.

Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong March 4, 2023 sa Pamplona, Negros Oriental.

Facebook Comments