
Nakahandang tumulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa konstruksyon ng mga classroom sa bansa.
Kung saan hinihintay na lamang ng ahensya ang pormal na request mula sa Department of Education (DepEd).
Kasunod ito ng naging pahayag ng DepEd na sa AFP Corps. of Engineers, Local Government Units (LGUs), at private sector na lamang nila ibibigay ang 2026 fund para sa paggawa ng mga silid-aralan.
Matatandaan na nagbigay ng pahayag na pagkadismaya ang DepEd patungkol sa nagawang silid-aralan ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH).
Sa target na 1,700 na classroom projects ngayong taon, 22 lamang dito ang natapos at 882 pa dito ay nanatiling under construction ng DPWH.
Facebook Comments









