AFP, nakapaghatid na ng 2.37 million pounds ng relief goods sa mga sinalanta ng Bagyong Odette

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng relief goods sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na batay sa huling tala, aabot na sa 2.376 million pounds na relief good na kanilang na-i-transport.

Sa nasabing bilang, 186, 282 pounds dito ang dinala gamit ang aircrafts habang 2.190 Million naman gamit ang naval assets.


Maliban sa paghahatid ng relief goods, tumutulong din aniya sila sa mga lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng ayuda at pagpapanatili ng kaayusan sa mga evacuation centers.

Samantala, nakiusap naman ang AFP sa New People’s Army na huwag nang guluhin pa ang isinasagawang relief operations ng pamahalaan.

Facebook Comments