Ipinagpasalamat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Gen. Andres Centino ang 3.95 milyong pisong cash donation, mga ambulansya, bisikleta at iba pang kagamitan na ibinigay ng MVP Group of Companies.
Ayon sa AFP chief ang cash donation ay agad na ipamamahagi sa mga pamilya ng sundalong nasawi sa bumagsak na C-130 noong July 4 ng nakaraang taon.
Habang ang 30 ambulansya at bisikleta na bahagi ng “Hospital in a bike project” ng Makati Medical Center ay ipamimigay naman sa Army, Navy at Air Force.
Maliban dito, nakatanggap din ang AFP ng 12,578 dose ng Moderna at Pfizer COVID-19 vaccines mula sa MVP Group, at 5 computer unit para sa AFP Dental Service.
Ang turnover ceremony ay ginawa kamakalawa sa Camp Aguinaldo at sinaksihan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.