AFP, nakatanggap ng 200 milyong halaga ng mga medical equipment at supplies mula sa pribadong kompanya at pribadong indibidwal

Kabuuang 200 milyong halaga ng mga medical equipments at supplies ang natanggap ng Armed Forces of the Philippines mula sa Filipino- Chinese Community, pribadong kompanya at pribadong indibdwal na ayaw nang magpakilala.

Dalawang Automated Nucleic Acid Extraction System machines; apat na PCR machines; 30,000 RT-PCR diagnostic kits; 25,010 medical protective suits; 292,300 face masks; 60,000 medical gloves; 5,064 medical goggles; 5,000 face shields; at 1000 pairs of medical protective shoe covers ang natangap na donasyon ng AFP.

Ang mga medical equipments ay nasa V Luna medical center na sa kasalukuyan matapos na inspect ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at makapasa sa standards ng World Health Organization (WHO).


Lubos naman ang pasasalamat si AFP Chief of Staff General Felimon Santos sa donasyon na malaki aniya maitutulong sa mga frontliners para pagalingin ang mga COVID-19 patients.

Facebook Comments