AFP, nakatanggap ng anti-terrorism electronic equipment mula sa Australia

Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines-Civil Relations Service (CRSAFP) ng mga electronic equipment para sa Preventing and Countering Radicalization and Violent Extremism (PCRVE).

Ang modernong I.T. at multimedia equipment na donasyon ng Australia ay dating nakalagak sa AFP Education, Training, and Doctrine Command (AFPETDCOM).

Kabilang sa mga kagamitan ang high-tech computers, tablets, storage devices, smart TVs, cameras, at audio recording components.


Ayon kay AFP Chief of Staff General Jose Faustino Jr., malaki ang maitutulong ng kagamitan sa pagpapahusay ng kakayahan ng CRS sa pag-document at pag-encode ng mga personalidad, impormasyon, at kaganapan na may kinalaman sa “violent extremism and terrorism.”

Isinagawa ang turnover ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon kung saan pormal na tinanggap ni AFP Chief of Staff kina Lieutenant Colonel Timothy John Lopsik, Assistant Defense Attache at Ms Sara Fouchy, Defense Intelligence Liaison Officer and Second Secretary of the Australian Embassy ang mga donasyon.

Facebook Comments