Tinanggap kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga bagong sasakyan na may kabuuang halagang P14.1 million mula sa Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Inc. (AFPMBAI).
Tinanggap mismo ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. mula kay Retired Major General Robert Arevalo, AFPMBAI President at CEO ang isang mini bus, limang vans at apat na multipurpose vehicles.
Sinabi ni General Santos na malaki ang maitutulong ng mga ibinigay na sasakyan sa kanilang mga mobility at logistic operation.
Hangad din nito na hindi magsasawa ang AFPMBAI na magbigay sa AFP lalo ngayon nakararanas ng krisis ang bansa dulot ng COVID-19.
Nitong nakalipas na buwan ng Mayo, nagdonate na ang AFPMBAI sa AFP ng P26 milyong halaga ng mga medical facilities.