Nagsagawa rin ng sabay sabay na pagsaludo sa watawat ng Pilipinas ang mga sundalo sa ibat ibang military unit sa bansa.
Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Flag day ngayong araw na ipagdiriwang ng labing limang araw o hanggang June 12 araw ng kalayaan.
Ayon kay AFP spokesperson Brig Hen Edgard Arevalo nararapat lamang ipagmalaki ang Watawat ng Pilipinas sa buong mundo at malaki ang dapat ipagpasalamat dito ng mga Pilipino.
Aniya saksi ang Watawat na ginagamit natin ngayon sa mahahalagang yugto ng kabayanihan at kagitingan ng ating mga ninuno.
Ito aniya ang simbulo ng hindi matatawarang sakripisyo ng mga Pilipino sa pagtatamo ng demokrasya at kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Kaisa aniya ang bawat isang sundalo ng sambayanang Pilipino sa pagpupugay sa Watawat, pagtatanggol at pagbabantay sa ating soberanya at teritoryo bilang isang bansa at mamamayan nito.