AFP, nanawagan ng responsableng pagpopost sa social media

Manila, Philippines – Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag-ingat sa mga ipino-post sa social media sa ilalim ng martial law.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang mga maling impormasyon tungkol sa Marawi at martial law.

Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – inilatag na nila ang mga panuntunan sa ilalim ng batas militar.


Tatlong dahilan aniya kung bakit ipinatutupad ito, una ay para sa kaligtasan ng publiko.

Pangalawa, kaligtasan ng mga sundalo na nakikipaglaban sa mga teroristang grupo at panghuli, nakasalalay ang national security.
Umapela rin si Padilla na – isumbong sa kanila ang mga makikitang pang-aabuso sa pagpapatupad ng martial law at makipagtulungan sa kanila para pigilan ang terorismo.
Sa ngayon, hindi pa inirerekomenda ng AFP ang pagsuspinde sa freedom of expression bagamat ipapatupad na ang right to censure o pagpuna sa mga nakalimbag sa sandaling matapos na ang guidelines para sa implementasyon ng batas militar.

DZXL558

Facebook Comments