Manila, Philippines – Nanawagan ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga mamamayan na huwag magpakalat ng maling impormasyon hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa bansa paratikular sa ginawang pag-atake sa Resorts World Manila noong Biyernes sa Pasay City na ikinamatay ng 38 tao kabilang na ang gunman.
Sa naging interview ng Biserbisyong Leni kay AFP Public Affairs Chief Edgard Arevalo – sinabi nito na pag-isipan munang maigi bago mag-post ng kung ano-ano sa social media na ang karamihan ay nagdudulot ng takot at pangamba sa pulbiko.
Giit pa ni Arevalo, magtiwala lamang ang mga mamamayan sa security forces ng pamahalaan kung saan ito lamang ang makakatulong upang masugpo ang mga plano o balak na maghasik ng kaguluhan sa bansa.
Kaugnay nito, nagpa-abot naman ng pakikiramay ang ikalawang pangulo sa pamilya ng nasawi sa trahedya sa Resorts World at hiling din nito sa mga otoridad na tapusin agad ang imbestigasyon para malaman ang totoong nangyari.
Nakikiramay din si VP Leni sa mga pamilya ng sundalo at pulis na namatay sa pakikipaglaban sa mga terorista sa Marawi City.
DZXL558
AFP, nanawagan sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa bansa paratikular sa ginawang pag-atake sa Resorts World Manila
Facebook Comments