
Nanindigan ang Armed Forces of the Philippine (AFP) sa tatalima ang ahensya sa “chain of command” matapos ang naging pahayag ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa hukbong sandatahan na tumindig sa nangyayaring korapsyon sa bansa.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na suportado ng AFP ang panawagan sa maayos na pamamahala at anti-korapsyon ngunit hindi sila makikisali sa nasabing partisan politics.
Dagdag pa nya, ang pag-a-address sa nasabing alegasyon ay dapat idaan sa legal na proseso.
Kaugnay nito, mananatiling “zero tolerance” sa hanay ng AFP sa sinumang mapag-alaman na gumagawa labag sa batas.
Pinag-iingat naman ng ahensya ang mga military personnel nito na tumutok lang sa kanilang mandato at huwag lumahok sa “partisan politics” o umaksyon ng labas sa Chain of command.
Samantala, hinimok din ng AFP ang publiko na maging vigilante laban sa mga naratibong nagpapanggap na makabansa ngunit ang totoo ay nagsusulong sa interest ng mga foreign entities gustong maghimasok sa teritoryo ng bansa.










