AFP, nanindigan sa no negotiation policy sa harap ng patuloy na gulo sa Marawi City

Manila, Philippines – Hindi kailanman makikipag negosasyon ang Armed Forces of the Phil. sa Maute ISIS terror group.

Ito ay kahit na nagawang makausap ng ilang Muslim religious leader sa Marawi City sina Abdullah at Maddi na ngayo’y tumatayong lider ng Maute terror group matapos ang walong oras na humanitarian pause na idineklara ng AFP.

Ayon kay AFP PAO Chief Marine Col Edgard Arevalo naninindigan sila sa no negotiation policy sa mga kalaban ng gobyerno.


Sa ngayon aniya tuloy ang kanilang misyon ito ay ma-neutralize ang lahat ng lider at miyembro ng Maute group.

At mailigtas ang mga natitirang bihag at ma-kondisyon na ang sitwasyon sa Marawi City para sa rehabilitation.

Sa ngayon apat na brgy pa ang tintutukan ng AFP sa Marawi City na may presenya pa rin ng mga miyembro ng Maute group.

Facebook Comments