
Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na alinsunod sa umiiral na batas ang pag-aresto kay United People’s Initiatives convenor at retires Major Gen. Romeo Poquiz.
Matatandaan na inaresto si Poquiz para sa kasong Inciting to Sedition na agad rin namang nyang napyansahan.
Sa pahayag ng AFP, sinabi nito na may hangganan ang pagkilala at pagprotekta ng Kontitusyon sa kalayaaan sa pagpapahayag.
Kung saan ang mga kilos na humihikayat sa pakikilahok sa rebelyon, sedisyon o ibang ilegal na aktibidad ay may parusa sa ilalim ng batas ng bansa.
Dagdag pa ng hukbong Sandatahan ng Pilipinas, na suportado nito ang pagsusulong ng mabuting pamamahala at integridad sa pamahalaan.
Ngunit paglilinaw ng ahensya na dapat isinasagawa sa legal na mekanismo at konstitusyunal na proseso ang laban kontra sa korapsyon.










