AFP, nanindigang walang mali sa ginawa nilang pagbisita sa Pag-Asa island nitong Biyernes

Manila, Philippines – Nanindigan ang liderato ng Armed Forces of the Philippines na walang mali sa ginawa nilang pagbisita sa Pag-Asa island nitong Biyernes.

Ito ay makaraang pumalag ang China at magpahayag ng matinding pagkabahala sa pagbiyahe ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa nasabing sila.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, bahagi ng trabaho nila ang pagbisita sa pag-asa island.


Hindi anya sila lumalapag sa mga islang hindi sakop ng teritoryo ng Pilipinas at walang mga sundalong Pilipinong naka-istasyon.

Ipinauubaya naman na ng AFP sa DFA o Department of Foreign Affairs ang mga pagpalag ng China sa nasabing biyahe.

Facebook Comments