AFP, naniniwalang foreign terrorist ang posibleng umatake sa Jolo Cathedral

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na sakaling suicide bombing ang nangyari sa Jolo, Sulu ay posibleng foreign terrorist ang may kagagawan nito.

Ayon kay AFP Chief-of-Staff, General Benjamin Madrigal Jr. – wala pa silang naiuulat na Pilipino ang maaring magsagawa ng suicide bombing.

Pero nilinaw ni Madrigal na hindi nila inaalis ang posibilidad na suicide bombing ang nangyari tulad ng sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Naniniwala si Madrigal na ang subgroup ng Abu Sayyaf na Hajan Sawajaan ang posibleng sangkot sa pag-atake.

Bago ito, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na iniimbestigahan pa rin ng mga security official ang ulat na mag-asawang taga-Yemen ang sangkot sa kambal na pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral.

Facebook Comments