AFP, naniniwalang hindi pa nakakalabas ng Sulu si dating Maimbung Vice Mayor Pando Adiong Mudjasan

Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatili sa Sulu si dating Maimbung Sulu Vice Mayor Pando Adiong Mudjasan.

Ayon AFP Chief of Staff General Andres Centino, patuloy ang koordinasyon nila sa Philippine National Police (PNP) maging sa local police ng Sulu upang hindi makalabas ng lalawigan ang suspek.

Aniya, pokus ng kanilang operasyon ang mga bulubunduking bahagi ng Sulu gayundin sa mga coastal barangay.


Sa ngayon, pinaigting ng mga awtoridad ang kanilang pagpapatrolya at pagsasagawa ng checkpoints.

Matatandaang 14 ang sugatang pulis, isa mula sa panig ng AFP at isang pulis ang nasawi matapos makasagupa ng security forces ang grupo ni dating Maimbung, Sulu Vice Mayor Pando Mudjasan na dating lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) nitong Sabado ng umaga.

Si Mudjasan ay nabatid na mayroong nakabinbing arrest warrants at search warrant dahil sa mga kaso nitong double murder; frustrated murder; double frustrated murder, multiple attempted murder; (5) counts of multiple attempted murder.

Facebook Comments