AFP, naniniwalang magtutuloy-tuloy ang modernization program sa kabila ng budget cut

Tiwala ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na magtutuloy-tuloy ang kanilang modernization program.

Ito’y sa kabila ng ₱15B tapyas sa panukalang pondo nito para sa taong 2025.

Nabatid na mula sa hiling na ₱50B pesos, ₱35B lang ang inaprubahan ng Bicameral conference committee.


Ayon kay AFP Vice Chief of Staff LtGen. Arthur Cordura, ilang programa lamang ang nadamay sa budget cut.

Bagama’t hindi na inisa-isa, nagpahayag ng kumpyansa si Cordura na gugulong ang modernisasyon sa tulong ng ugnayan sa ibang tanggapan ng pamahalaan.

Matatandaang mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sumumpang ‘committed’ ito na gawing ‘world-class’ ang AFP.

Facebook Comments