Manila, Philippines – Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na wala nang hawak pang bihag ang natitirang miyembro ng Maute ISIS Group sa Marawi City.
Ayon kay Col. Romeo Brawner ang Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao mga asawa na lamang ng mga miyembro ng Maute ang mga babaeng naiwan sa isang gusali sa main battle area na kagabi ay naging target ng operasyon ng tropa ng pamahalaan.
Mas pinili raw ng mga babaeng ito ang manatili sa gusali para samahan ang kanilang mga asawa.
sa ngayon aniya binibigay na ng militar ang lahat ng pagkakataon para sumuko ang mga ito.
Sinabi pa ni Brawner na ang huling na-rescue ng militar sa main battle area ay 20 hostages nitong nakalipas na linggo kung saan sampu dito ay inaalam pa kung totoong bihag o mga miyembro ng Maute.
Aniya pa hanggang kahapon aabot na sa isang libo pitong raan at walumpu na mga bihag na sibilyan ang nailigtas nang militar.
Kaugnay nito umabot na syam na raan at labing syam mga miyembro ng Maute ISIS group napatay sa bakbakan sa Marawi City.
Nadagdagan rin ang mga armas na narekober ng militar mula sa mga terorista na ngayon ay umaabot na sa walungdaan at animnaput apat.
Habang hanggang kahapon isang daan at animnaput limang sundalo at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay sa pakikipaglaban sa mga terorista.