AFP NCR Joint Task Force, naka-standby alert sa posibleng disaster response operation

Manila, Philippines – Naka-alerto na rin ngayon ang standby force ng AFP National Capital Region joint task force ito ay para sa posibleng rescue operation.

Sa harap pa rin sa pagbugso-bugsong ulan na nararanasan ngayon sa Metro Manila at mga karatig lalawigan na posibleng magresulta ng flashflood at landslide.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo ang AFP Joint Task Force ang unit ng AFP na nagbibigay o nagdedeploy ng tauhan para sa disaster response sa Metro Manila.


Maliban dito mayroon din silang mga tauhan na maari pang ideploy mula sa ibat ibang branches ng AFP kung kinakailangan.

Facebook Comments