AFP, nilinaw na ilang miyembro lang nang Presidential Security Group ang nabakunahan ng hindi aprubadong COVID-19 vaccine

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na iilang miyembro lang ng Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan ng hindi aprubadong COVID-19 vaccine at hindi lahat ng miyembro ng AFP.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang mga nabakunahang mga sundalo ay mga miyembro na PSG na close-in security ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban aniya sa kanila, wala na sa AFP ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine na ngayon ay hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).


Maging ang mga matataas na lider aniya ng AFP sa pangunguna ni AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay ay hindi nagpabakuna nang hindi aprubadong COVID-19 vaccine.

Kanina inanunsyo ng AFP na itinigil na nila ang scheduled fact-finding investigation para sa mga PSG personnel na nagpaturok ng anti COVID-19 vaccine dahil sa pahayag ng Pangulo na “self-preservation” ang ginawa ng mga ito para mas magampanan ang kanilang trabaho.

Facebook Comments